Axie Infinity: Pagbabago ng SLP at AXS Breeding Requirements
Ang article na ito ay Tagalog translation ng: Axie Infinity Announces SLP and AXS Breeding Fee Adjustment
Kamakailan ay nag anunsyo ng pagbabago sa breeding ng mga Axie and Sky Mavis, ang mga developer ng Axie Infinity. Ito ay tungkol sa dalawang ‘Cost Requirement’ para sa breeding ng Axie: ang AXS at SLP. Dalawampu’t apat (24) na oras matapos ang anunsyo na ito, ang cost ng AXS ay magbabago mula 2 AXS pababa ng 1 AXS na lamang. Ang SLP cost naman ay itataas depende sa nakalista sa baba:
Sa kanilang blog post, kinumpirma ng Sky Mavis maraming manlalaro ang nagpahayag ng kanilang kalituhan at pangamba sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya ng Axie.
Basahin ang aming Beginner’s Guide tungkol sa mga ito
- Play-to-earn: Kumita sa paglalaro ng Axie Infinity
- Komprehensibong gabay sa Axie Infinity Scholarship
- Gabay para sa baguhan sa SLP / Paano bumili, magbenta, at kumita ng SLP sa Pinas.
Ang SLP ay na i-issue tuwing magsi-sync ang isang player ng kanilang kinitang SLP sa kanilang Axie Dashboard. Ang SLP naman na nabu-burn tuwing breeding. Sa ngayon, ang pag i-issue ng SLP at labis na mas higit kaysa sa pagbu-burn nito:
Kinumpirma ng Sky Mavis na ang SLP ay nalilikha lamang sa paglalaro ng Axie Infinity, at nabu-burn lamang tuwing mag mi-breed ng bagong Axie. Kaya naman ang pagtaas ng SLP requirement sa breeding ay baka magpapataas din sa nabu-burn na SLP kada araw.
“Ang kasiguraduhan ng pangmatagalang pagpapanatili ng ekonomiya (ng Axie Infinity) ay nakasalalay sa kumbinasyon ng pagdami ng players, bagong paggagalingan ng pangangailangan sa Axie, at mga organisasyon na makakatulong sa pag-subsidize ng Play-to-earn sa pamamagitan ng pag sponsor ng mga leaderboard seasons / tournaments at marami pang iba.”
Sinabi din ng Sky Mavis na ang paglaki ng laro ay paikot o cyclical at nangangailangan ito ng pagbabago kada cycle, “Kahit sanay na ang ating mga beterano sa maraming cycle ng laro dati (kagaya ng pagbabago ng halaga ng Axie mula .1 ETH pababa ng .002 noong 2019), naiintindihan namin na nakakakaba ito para sa mga bagong manlalaro.”
Inaasahang paglaki
Sinabi ng Sky Mavis na para narin sa kanilang inaasahang paglaki sa susunod na taon, nangangailangan ng “Milyong-milyong Axies para sa magaganap na bagong pagdagsa ng mga manlalaro na ating inaasahan kapag nailabas na ang ating Ronin Dex at Battle V2.”
Sa pag-usisa ng kanilang data, sinabi ng kumpanya na dahil masyadong mababa ang na-issue na SLP bago ang launch ng Ronin noon, nagkaroon ng malaking pangangailangan sa SLP matapos mailabas ang Ronin. Ngunit ang surge na ito ay “panandalian lamang at nagbigay ng di makatotohanang pag-aakala sa ekonomiya ng Axie.”
Kaya naman ang mga pagbabagong inanunsyo ay resulta ng mga sumusunod na obserbasyon:
- Ang paglaki ng laro ay bumabagal dahil sa pangamba na hindi pag balanse ng ekonomiya
- Pabago-bago / Volatility
- Pagiging masyadong mahal ng AXS
Sa hinaharap, isinaad ng Sky Mavis na nais nilang magpatupad ng ‘Auto-balancing System’ sa AXS at SLP na requirement sa pagbi-breed kaugnay sa kasalukuyang presyo ng mga ito sa merkado at sa isa’t isa.
Ang article na ito ay nailathala sa BitPinas: Axie Infinity: Pagbabago ng SLP at AXS Breeding Requirements
The post Axie Infinity: Pagbabago ng SLP at AXS Breeding Requirements appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/axie-infinity-pagbabago-ng-slp-at-axs-breeding-tagalog/
Text source: BitPinas