Cryptoday 037: Mula Axie Hack Patungong Axie Tax (Tagalog)
Nito lamang mga nakaraang araw ay naglabas na ng anunsyo ang BIR at SEC patungkol sa Axie Infinity. Sa kampanya ng Pilipinas na makalikom ng pera ay nabaling ang kanilang atensyon sa mga content creators at play-to-earn gamers upang mapagkunan ng pondo.
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines.
Ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tionko nitong Lunes, nais ng BIR gumawa ng isang registration system para sa mga korporasyong wala sa Pilipinas (ngunit kumikita sa bansa) upang makalikom ng tax sa kanila. Kanya ring pinaalalahanan ang mga Axie Infinity players na kailangan nilang i-report ang kanilang income at magbayad ng tax sa kanilang kinita sa crypto. Saad pa ni Tionko, sa oras na magkaroon ng klasipikasyon ang “Axie” bilang isang “security” o “currency” ay saka palang sila makakagawa ng mga rules kung paano ito i-regulate.
Nitong Martes, sinabi ng SEC na ang Sky Mavis ay hindi isang rehistradong korporasyon at sa kasalukuyan ay iniimbestigahan nila ang mga “regulatory touchpoints.”
Bago niyo ipagpatuloy ang pagbabasa: Kung ikaw ay residente ng Pilipinas na kumikita (may income), kailangan mong magbayad ng buwis. (Kung ikaw ay kumikita ng mas maliit sa 250,000 piso kada taon, hindi mo kailangan magbayad.) Ang tanong na lang ay kung paano mo ito i-file, ngunit bago iyan ay tignan muna natin ang mga bahagi ng pahayag ni Tionko at kung ano ang pwedeng mangyari patungkol dito.
Tax Registration ng mga Korporasyong Kumikita sa Pilipinas Ngunit Wala sa Pilipinas
Bagama’t madaling hingin sa Sky Mavis ang kanilang mga dokumento, magiging malaking pagsubok sa BIR na mangolekta ng buwis sa kanilang mga “activities.” Una sa lahat ay di kumikita ang Sky Mavis ng kahit ano sa Axie Infinity players. Mayroong “Community Treasury” na patuloy na lumalaki dahil sa 4% fee na ipinapataw sa lahat ng transaksyon sa Axie Infinity Marketplace. Ang “Community Treasury” ay hindi pag-aari ng Sky Mavis ng buong-buo. Ang treasury ay pag-aari ng community dahil ang naimpok dito ay ay gagamitin bilang gantimpala sa mga stakeholders at players sa oras na maging available ang community staking bago matapos ang taon..
Bukod dito, lahat ng asset na hawak nito ay ETH at AXS, dalawang cryptocurrency na nagbabago ang halaga kada segundo. Wala ring plano ang Sky Mavis na i-konvert ang alinman sa ETH at AXS sa fiat.
Ang mga maaring tanong dito ay (a) Magkanong halaga ng nasa Treasury ang maaring galing sa mga transaksyon mula sa Pilipinas at (b) Paano makakalkula ang (a) kung hindi ito kailanman na-konvert sa fiat? Sa kasamaang palad ay mahirap masuri ang (a) dahil hindi mo kailangan magbigay ng ID upang makabili ng Axie sa marketplace. Ang sagot sa (b) ay pwedeng pagdebatehan.
Kailangan bang i-report ng player ang income na kinita sa crypto?
Ito ang tanong ng karamihan, at hindi ito iba sa kung paano hinawakan ng BIR ang pagpapataw ng buwis sa mga freelancers at mga Pilipinong kumikita sa pagtatrabaho sa mga microtask platforms gaya ng Fiverr o TaskRabbit: Inaasahan ng BIR na i-report at i-deklara mo kung magkano ang iyong kinikita. Para sa Axie Infinity players, ito ay ang iyong kinita sa oras na kinonvert mo ang SLP sa fiat money (pesos). Nito lamang Martes, isang tagapagsalita ng BIR ay nag-painterview sa PTV upang ipaalala sa mga Axie Infinity players na kailangan nilang magbayad ng buwis upang hindi magbayad ng late payment penalty at maiwasang maaresto… Sana man lang ay ipinarating ang mensaheng ito nang may kaunting malasakit sa mga players, dahil karamihan sa kanila ay hindi pa kumikita bago sila naglaro ng Axie, at sa makatuwid ay walang masyadong alam tungkol sa tax registration.
Ang Axie Infinity ba ay Security o Currency?
Sabi ng SEC nitong Martes, ang Axie at Sky Mavis ay hindi rehistrado sa Pilipinas at walang lisensya upang magbenta ng securities sa bansa. Ito ay tama lang dahil hindi naman securities ang Axies, gaya ng hindi securities ang mga card packs ng Hearthstone. Higit sa lahat, ang mga players, at hindi ang Sky Mavis, ang nagbebenta ng Axies. Patuloy pa ring pinag-aaralan ng gobyerno ang konsepto ng decentralization at mukang malayo pa bago nila ito tuluyang maintindihan.
Inaasahan ko na madami pang kailangan pagdiskusyunan tungkol sa topic na ito sa mga susunod na Linggo at sa aking palagay, may mga newsletters ako na ilalathala na nakapokus dito. Mayroong webinar ang Taxumo tungkol sa crypto taxation at inirerekomenda ko na inyo itong panuorin sa itaas. Marami din akong mga interviews sa mga susunod na Linggo at magiging sikat na topic ang crypto taxation sa mga ito.
This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 037: Mula Axie Hack Patungong Axie Tax (Tagalog)
The post Cryptoday 037: Mula Axie Hack Patungong Axie Tax (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-037-mula-axie-hack-patungong-axie-tax-tagalog/
Text source: BitPinas