Cryptoday 039: Career Bilang Axie Infinity Player (Tagalog)
Kahapon ay nakaabot na ako sa 2,000+ MMR, labing pitong araw mula ng nagsimula akong maglaro ng Axie Infinity. Ngayon ay isa na ko sa top 1% ng players nito sa buong mundo ngunit hindi ko iniisip na ako ay isa ng eksperto sa larong ito.
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines.
Overview ng aking Paglalaro
Mayroon na akong 700 na laban sa Arena at palagay ko ay mayroon na akong ideya kung paano ba ang experience ng mga player na naglalaro nito. Ang paksa natin ngayon ay tungkol sa gameplay ng Axie Infinity at pati na rin ang aking kinita sa loob ng dalawat kalahating linggo. May mga saloobin na rin ako sa kung saan patungo ang aking paglalaro ng Axie Infinity.
Paano ako naglaro ng Axie Infinity?
Una sa lahat, hindi ako naglaro kailanman ng Adventure mode gaya ng karamihan sa mga players. Interesado lang ako sa Arena dahil binago ng Sky Mavis ang bilang ng SLP na mapapanalunan kapag mataas ang MMR ng player. Sa pagbabagong ito ay mas nahikayat ang mga player na maglaro pa lalo ng game para magkaroon ng mas maraming SLP.
Mayroon akong dalawang bagay na ginawa na hindi ginagawa ng karamihan. Una ay nagpatulong ako kay CryptoShanks para makabuo ng magandang Axie team. Bagama’t ako ang nagbayad, si Shanks ang pumili ng mga Axie.
Ako rin ay nanghiram ng pitong (7) extra na Axie kay Gabby Dizon para mayroon akong 40 na energy araw araw.
Alam kong iba ang setup ko kumpara sa mga iskolars na binibigyan lang ng manager ng team na kanilang lalaruin at pagkasyahin ang 20 energy.
Binuo ni Shanks ang mas magandang version ng beast-bird-plant team na may malaking tsansa na manalo sa kada matchup. Ang buong team ay nagkakahalaga ng 0.63 ETH (100,000 piso). Simple lang ang BBP style na team: Talunin mo agad ang pinakamabilis na Axie ng kalaban bago matalo ang iyong tank, at mula doon at umasa sa critical strike ng iyong Axie upang manalo. Maraming beses akong nanalo ng nasa Last Stand ang aking Axie dahil sa laki ng epekto ng critical strike sa kung sino mananalo sa isang matchup. Pinakamahirap kalaban ang mga multi-aqua team dahil mayroon sila madalas na bonus sa speed sa endgame. Kailangan mo ng timing (at magbilang ng energy) para magkaroon ng tsansa manalo. Madalas ako nanalo dahil ang aking Axie ay mag-double veggy bite bago pa makatira ang mga Aqua ng kalaban.
Gaano kalaki ang kinita ko sa Axie Infinity?
Nagsimula akong mag-record ng aking mga games mula 1285 MMR hanggang 2000 MMR (pulang linya sa itaas). Itinatala ko ang SLP na aking kinita kada tapos ko ng laro sa isang araw at i-konvert yun sa PHP sa araw din na iyon (ang asul na bars sa itaas). Paano ko nakokonvert ang SLP ko araw araw? Mga ilang linggo bago ako nagsimulang maglaro, bumili na ako ng 2,500 SLP at inilagay iyon sa aking BloomX account upang maging Trading Buffer. Sa tuwing matatapos ako maglaro ng Axie Infinity sa isang araw, ibebenta ko ang SLP sa BloomX account na kaparehas ng bilang ng SLP na aking kinita sa game. Halimbawa, sa unang araw ko ng paglalaro ay kumita ako ng 105 SLP, kaya kinonvert ko ang 105 SLP sa pesos sa BloomX. Oras na puwede ko na talagang i-claim ang SLP na nasa loob ng game, ibebenta ko naman yun para ilagay ulit sa aking BloomX account para maging trading buffer. Palagi ko yan gagawin habang patuloy akong naglalaro ng Axie Infinity.
Ang nabanggit ko sa taas ay maganda ring paraan upang mawala ng kaunti ang volatility risk at samantalahin ng player ang araw araw na presyo ng SLP kaysa maghintay ng dalawang linggo at umasa na maganda ang presyo bago mag-cash out. (Ang trading buffer ay “unrealized” gain/loss at hindi natin iispin ang orihinal na presyo hanggang sa tuluyan nating isara ang position.)
Isang importanteng impormasyon sa chart ang ating nalaman: Ako ay kumikita ng halos 1,770 piso kada araw, at hindi nagbabago ang aking kinikita kahit na tumataas ang aking rank. Kung inyong maalala, kada akyat mo ng rank ay may mas mataas na ibibigay na SLP. Kung 6 SLP sa 1,200 MR, sa 2,000 MMR naman ay 15 SLP kada panalo. Ngunit ang halaga ng SLP ay bumababa kada araw. Kumita ako ng 29,778 piso sa paglalaro ng tatlong linggo ng Axie Infinity. Ibig sabihin ay nalikom ko na ang 30% ng aking investment. Kung magpapatuloy ako sa paglalaro, hindi imposible na malikom ko ang buong 100,000 piso sa Oktubre. Ang balik ng investment sa loob lamang ng tatlong buwan ay hindi na masama kumpara sa tradisyonal na negosyo.
Ngunit paano kung wala na akong oras maglaro?
Maari akong kumuha ng iskolar na maglalaro para sa akin. Pwede ko rin ibenta ang mga Axie sa marketplace at umasa na mabalik ang buong ETH na ginastos ko sa pagbili. Ngunit sa ngayon ay nalilibang ako maglaro kaya pipilitin ko pang maging magaling sa Axie Infinity. (Sorry, iskolars!)
May isang interesanteng article sa Coindesk tungkol sa Ethereum na ngayon daw ay mas marami ng transfers ($185 bilyon) kumpara sa Bitcoin ($180 bilyon). Binilang lang nito ang native token ng Ethereum (ETH) at kinumpara ito sa $BTC, ngunit di nito isinaaad na sa Ethereum din nagaganap ang napakadaming uri ng transaksyon, tulad ng sa mga DeFi tokens, mga stablecoins, NFT art, at Axies. Kung isasama sila sa kalkulasyon ay baka sobrang laki na ng agwat ng Ethereum sa Bitcoin.
Inihahalintulad ko ito sa taong 1921, kung saan ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na mag-invest ng $1 milyon sa industriya ng gold o $1 milyon sa industriya ng langis (fossil fuel). Alam natin na mag 100x ang gold sa susunod na sandaang taon, ngunit alam din natin na fossil fuel ang dahilan kung bakit naging moderno ang ating sibilisasyon. Dahil sa fossil fuel, nagbago kung paano tayo naglalakbay, nakikipag-usap at iba pang mga bagay na nagpabuti sa kalidad ng buhay ng tao. Marami sa mga tagumpay ng teknolohiya ay posible dahil sa fossil fuel, mula internet hanggang paglalakbay sa space. Sa analohiyang ito, inihalintulad ko ang Bitcoin sa gold at ang Ethereum sa fossil fuel. Ang Bitcoin ay isang store of value na pinoprotektahan ang halaga ng iyong pera, ngunit ang Ethereum ang magdadala sa atin sa susunod na yugto ng ating sibilisasyon.
Magkita kita tayo muli, mga ka-crypto! Sundan niyo ako sa Facebook! Ang newsletter na ito ay libre niyong matatanggap tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes!
This article is published on BitPinas: Cryptoday 039: Career Bilang Axie Infinity Player (Tagalog)
The post Cryptoday 039: Career Bilang Axie Infinity Player (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-039-career-bilang-axie-infinity-player-tagalog/
Text source: BitPinas