Cryptoday 041: 600+ Guilds sa Axie Archipelago (Tagalog)
Paano mo hindi magugustuhan ang Pinoy Axie Community? Noong Agosto 27 ay una kong nabanggit ang Axie Archipelago at agad naman akong nakatanggap ng magandang feedback at mensahe ng suporta. Kasama si Mike Mislos, editor ng BitPinas, sinimulan kong ibahagi ang isang Manager Survey Form noong Setyembre 1. Ang kinolekta lamang sa form na ito ay mga pinakasimpleng impormasyon tulad ng pangalan ng guild, lokasyon at kung ilan ang kanilang mga iskolar.
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines.
Ang Simula ng Axie Archipelago
Noong Setyembre ay aking inilunsad ang AxieArchipelago.org na may 160 guilds na nakatala. Maraming nag-paabot ng magandang mensahe ng supporta ngunit mayroon din namang mga negatibong feedback na aking tatalakayin maya-maya. Ang hindi ko inasahan? Pagkagising ko kinabukasan ay may panibagong 250 na guilds na nagsubmit mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas!
Siyempre kami ni Mike ay nagalak sa suporta ng Axie Community ngunit hindi kami sigurado kung papaano hahatiin ang trabaho sa aming dalawa. Kailangan maglaan ng oras sa pag-aayos ng nakalap na data habang inaasikaso ang iba pa naming mga responsibilidad. Ang isa sa naging pagsubok ay ang pagtatala ng coordinates mula sa lokasyon na ibinahagi ng mga sumagot sa manager form dahil hindi naman ito naka-standardized. (Halimbawa: QC at Quezon City.)
Ang Mga Tumulong Bumuo sa Axie Archipelago
Nakausap ko ang YGG at agad naman silang pumayag na maglaan ng 1,000 SLP bilang gantimpala (bounty) sa tutulong sa Axie Archipelago. Ganito ito kabilis nangyari: Gumising ako ng 7:30 am ng Sabado, nakita ko ang mga bagong submissions at nakausap si Gabby Dizon ng 8:30am. Inanunsyo ko ang bounty ng 9:00 am at kalahating oras ang nakalipas ay nakakuha ako ng dalawang volunteer, na siya namang nagsimulang maglaan ng oras mula 10:00 am. Tamang tama lang kami sa oras dahil nitong Sabado at Linggo, ay mayroon na namang 300 na submissions Ang dalawang volunteers — si John ng BitsharesLabs at Miles R ay inayos ang higit sa 700 guilds sa loob ng dalawang araw. Nagpapasalamat ako sa kanilang tulong at dapat silang pasalamatan ng buong community!
Nagpaabot din ng tulong ang AxieScholar.co.uk at FH.team sa pamamagitan ng pagbahagi ng panibagong SLP bounty, at umaasa ako na may mga guilds pa na makakatulong sa amin dahil mukhang kakailanganin namin lahat ng tulong upang ma-maintain ang Axie Archipelago. Ang website ay mayroon ngayong nakatalang 637 na guild at mayroon na namang 200 na nag-submit. May mga website functions din ako na nais sana maidagdag, gaya ng search o kaya naman ay infographics na magbubuod ng mga bilang sa bawat rehiyon.
Gusto ko rin maglagay ng “verification feature” para mabigyan ng pansin ang mga guild na piniling magbahagi ng mas maraming impormasyon tungkol sa kanila. Kung may mga developers dito na may alam sa Javascript at App Script at payag tumanggap ng SLP bilang reward, magkomento lamang sa ibaba!
BIR Tax Map??
Hindi lahat ay suportado ang Axie Archipelago. At maraming tao ang nagbiro na baka ang proyektong to ay isang malaking trap ng BIR. Ito ay isang valid concern kaya akin itong tatalakayin. Una sa lahat, paalala lang na kung kayo ay kumikita dito sa Pilipinas, kailangan niyong tanggapin na obligasyon ang pagbabayad ng tax. Ngunit ang Axie Archipelago ay hindi isang tax map at lalong-lalo na hindi ito isang sikretong proyekto ng BIR. Hindi ako makapaniwala na kailangan ko pang isulat ang pangungusap sa itaas ngunit siguro ay dapat klaro sa lahat na hindi ito isang tax map. Ang Axie Archipelago Directory ay mayroon lang impormasyon tungkol sa guild at sa lugar kung nasaan ito. Kaya rin naman yan hanapin ng BIR, ang kailangan niya lang gawin ay i-search ang “Axie Guild” sa Facebook at i-search isa isa ang lumabas na mga FB pages at groups. Bukod sa pangalan ng guild at lugar ay wala nang anumang impormasyon na pwede gamitin pang-track sa Axie Archipelago.
Sa pangkalahatan, naniniwala kami na ang positibong impact ng isang directory na madaling gamitin ay mas mahalaga kaysa sa mga concerns sa itaas, dahil ngayon ay mayroon ng isang website na pwedeng gamitiin ng mga tao upang makahanap ng ibang mga players sa kanilang lugar, o kaya ay sa paghahanap ng mga guild na may inaalok na scholarships. Lagi niyong tandaan na ang Pilipinas ang pinakamalaking bansa sa metaverse, dapat tayo manguna imbes na magtago.
Nakatanggap din ako ng mga mensahe mula sa mga managers na ayaw itala ang kanilang guilds dahil ayaw nilang maging target sa kanilang mga distrito. Sa lahat ng nagdadalawang-isip tungkol dito, ang aking unang sagot ay marahil “huwag kayong mag-register sa Axie Archipelago.” (Ang aking pangalawang mensahe ay “siguro oras na upang lumipat kayo ng lugar,” ngunit sa akin lang na opinyon yon.)
AXS ATH
Na-abot ng $AXS ang panibagong ATH nitong Sabado na $91 bago ito bumalik sa $82. Pakiramdam ko ay baka ma-abot nito ang $100 sa mga susunod na araw. Ang buong crypto market ay maganda rin ang pinapakita. Naabot na muli ng Bitcoin ang $51,000 at ang ETH naman ay malapit na maabot ang $4,000. Napakalaki ng inangat ng $FIL, na naglunsad ng kanilang libreng serbisyo na NFT.storage na naglalayon na gawing “decentralized” ang storage ng NFTs. May mga developer tools na rin ito at susubakan ko itong tignan kapag nagkaroon ako ng oras para basahin ang kanilang documentation.
Hanggang sa Miyerkules na mula, mga ka-crypto!
This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 041: 600+ Guilds in the Axie Archipelago (Tagalog)
The post Cryptoday 041: 600+ Guilds sa Axie Archipelago (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-041-600-guilds-sa-axie-archipelago-tagalog/
Text source: BitPinas