Cryptoday 043: El Salvador, Cardano, at CPAG (Tagalog)
Nitong nakaraang dalawang lingo ay parang napadami ang mga balita tungkol sa Axie Infinity dito sa Cryptoday, kaya naman nagpasya ako na medyo bawasan ito ng kaunti at mag pokus sa mga General Industry news ngayong maulang Lunes ng umaga.
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
Bitcoin sa El Salvador
Opisyal ng inilunsad ng El Salvador ang Bitcoin bilang pangalawa nitong Official Currency (ang una ay ang US Dollar) noong Setyembre 7, tatlong buwan matapos nilang ianunsyo ang kanilang plano ukol dito. Agad bumagsak ang halaga ng Bitcoin ng halos 20% mula sa masiglang $52,000 pababa ng $41,000. Mula noon ay nag stabilize na ang presyo nito sa $45,000. Malinaw na alam na ng merkado magiging presyo nito bago pa man ang El Salvador launch noong a-siete at tila naghihintay na lamang ang lahat kung kailan nila kukunin ang kanilang kita.
Inanunsyo ni Presidente Nayyib Bukele na sila ay bumili ng $BTC sa mas mababang halaga dahil pababa ang presyo nito sa merkado, pero base sa nakikita ko, kasalukuyan din bagsak ang treasury nila ng mahigit kumulang 8%. Tunay na kamangha-manga makita ang mga global brands gaya ng McDonald’s at Starbucks na mapwersa ng isang awtoritaryan na rehimen na tumanggap ng $BTC, ngunit sa totoo lang ay mahirap gamitin ang Bitcoin bilang pambayad, at kahit nagawa ng Lightning Network na maging mas mabilis at mas mura ang mga transaksyon dito, ang napakabilis na pagpapalit ng presyo ng Bitcoin nang pinakamalaki nyang hamon. Ang tanging paraan na nakikita ko kung paano gagana ang Bitcoin bilang isang pambansang sistema ng pambayad ay kung ang buong El Salvador ay iiwanan ang fiat currency at $BTC lamang ang gamitin, pero kahit ang pagiging diktador ni Bukele ay hindi sapat para mangyari ito.
Cryptocurrencies sa Ukraine
Noong nakaraang Linggo, opisyal ng naging legal ang cryptocurrencies sa Ukraine. Ang batas ay sinimulang talakayin noon pang Hulyo 2020. Ito ay naglayong i-regulate ang mga crypto exchanges at bumuo ng basic rights para sa mga users nito. Maaari mong i-auto translate ang actual draft sa pahinang ito, pero standard stuff lang naman ito at hindi kasing lalim ng pagtalakay na ginawa sa El Salvador. Ang Bitcoin ay hindi magiging opisyal na currency ng Ukraine pero magsisilbi itong daan upang magkaroon ng lisensya ang mga exchanges (isang bagay na mayroon na tayo dito sa Pilipinas simula pa noong 2017).
Cardano Alonzo Upgrade
Medyo madaming kaganapan ang Cardano nitong nakaraang buwan, nangunguna dito ang matagumpay na pag-launch ng kanyang Alonzo Upgrade. Ang hard fork nito – na nagsimula ilang oras palang ang nakakaraan – ang magpasimula ng Smart Contracts sa pinakamalaking kakumpimtensya ng Ethereum.
Subalit ang mga developers ay nag-ulat na sila ay nahihirapan na gumawa ng apps para sa Cardano. Ito marahil ay sa mala-bitcoin nyang UTXO Architecture. Kung ikaw ay may teknikal na interes, ang UTXO ay tunay na mabisa para sa protocol-level transactions, subalit medyo hirap ito sa mga mas komplikadong transaksyon. Ito ang dahilan kung bakit ang Ethereum ay gumagamit ng account-based model sa kanyang protocol, sapagkat iyon ang inaasahan ng isang normal na engineer. Ang mga app developers ng Cardano ay napabalitang gumagawa na ng solusyon para dito, pero wag munang umasa na magkakaroon ng parang Uniswap na launch sa ngayon. Ako man ay maghihintay muna bago mag lagay ng malaking halaga sa mga Cardano smart contracts pansamantala.
Cryptopop Art Guilde (CPAG)!
Alam kong kakasabi ko lang na hindi ako maglalabas ng Axie-related news pero gusto ko lamang kayong bigyan ng mabilis na update tungkol sa aking bagong Cryptopop Art Guild, na ating paiikliin bilang “CPAG.”
Ang layunin ng guild ay bigyan ng tulong pinansyal ang mga dehado nating artist gamit ang kita mula sa Axie Infinity, kasabay ng pagtuturo at pag gabay sa kanila sa NFT Landscape. Ngayong umaga palang, mayroon na tayong 33 aktibong miyembro at 12,000 na SLP na kinita. Mayroon narin tayong 30 madadagdag na artists na naghihintay na lamang na makilatis. (I-follow nyo kami sa Facebook!)
Nagsisimula na tayong makatanggap ng mga komisyon at job opportunities para sa mga indibidwal na miyembro ng ating guild, at ako ay umaasa na ito ay magiging mas madalas sa patuloy nating pagtulong na makilala ito.
Kami ay nakalikom ng mahigit 10 ETH mula sa ating investors na sina Gaby Dizon, Colin Goltra, James Deakin, AJ Dimarucot, at ang Team Manila. Amin na din nailagak ang mahigit 90% ng pondo. Ang mga investors ay makakatanggap ng 40% na kita mula sa income ng axie player kapalit ng kanilang kapital. Kung ikaw ay interesado na suportahan ang aming guild, kontakin mo lang ako!
Magkita kita ulit tayo sa susunod na Miyerkules, mga ka-crypto! At tandaan: ang lahat ng oportunidad ay naghihintay para sayo, kailangan mo lang maging ma-“CPAG”.
This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 043: El Salvador, Cardano, at CPAG (Tagalog)
The post Cryptoday 043: El Salvador, Cardano, at CPAG (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-043-el-salvador-cardano-at-cpag-tagalog/
Text source: BitPinas