Cryptoday 045: Opisyal na Akong Bahagi ng Yield Guild Games! (Tagalog)
Nagagalak akong i-anunsyo na ako ay opisyal ng bahagi ng Yield Guild Games (YGG) bilang Country Manager sa Pilipinas.
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
Axie Infinity at Social Impact
Kung inyong nasubaybayan ang aking mga proyekto kamakailan, alam nyo ang aking malalim na interes sa Axie Infinity at sa social impact ng mga Play-to-earn games sa mga mabababang income na komunidad. Ang ating proyektong AxieArchipelago.org ay kasalukuyang may nakalista na mahigit 800 guilds sa buong bansa – literal na mula Batanes hanggang Tawi-tawi – at ang ating bagong Cryptopop Art Guild (CPAG) ay kasalukuyang may mahigit 40 underprivileged na artists sa tulong na rin ng ating mahuhusay na co-investors at managers.
Bilang Country Manager sa Yield Guild Games
Ang Pilipinas ang pinakamalaking bansa sa Metaverse, at ako ay lubusang nagagalak dahil ang aking pagsuporta sa Filipino Ecosystem ngayon ay ang akin ng pangunahing trabaho. Ang mga YGG founders na sina Gabby Dizon at Beryl Chavel-Li ay may kahangahangang pananaw kung saan natin maaaring tahakin ang organisasyong ito, at sa mga susunod na buwan, tayo ay maglulunsad ng mga proyektong nakapokus sa edukasyon, healthcare, serbisyong pinansyal at marami pang instrumentong pantulong sa komunidad.
Maliban sa ‘gaming,’ ako ay lubos na umaasa na magagamit ang aking kaalaman sa crypto upang maibahagi ito sa milyon-milyong Pilipino. Ako ay makikipag-ugnayan sa orihinal na grupo ng mga Pinoy Guild Managers – Kookoo, Shanks, Spraky, Delphi, Elle, Berna – upang mapanatili ang kaligtasan at tamang kaalaman sa ating komunidad. Lubos din tayong magbibigay ng kapital na suporta sa mga Guilds na nasa labas ng YGG.
BloomX
Dahil mayroon lamang 24 na oras sa isang araw, nagdesisyon akong bawasan ang aking responsibilidad sa operasyon ng BloomX bilang parte ng aking transition. Bilang isang co-founder, ako pa rin ay magiging parte ng board of directors ng kumpanya. Lubos ang aking tiwala sa aking mga co-founders na sina Israel Keys, Ramon Tayag, at Justin David, at patuloy ko paring susuportahan ang pag-usbong ng cryptocurrency trading sa bansa sa aking bagong papel.
Balita Mula sa El Salvador
Sa ibang panig ng mundo, ang Bitcoinization ng El Salvador ay mukhang mas mahirap kaysa sa inaakala.
Ayon sa paguulat ng aking kaibigang si Jamie Redman sa Bitcoin.com, mayroong mga Lightning Wallet transactions na bigla na lamang ‘nawawala.’ Dahil dito ay maraming merchants ang nagtataka kung sila ba ay talagang nabayaran na. (Sa normal na transaksyon sa layer 1, hindi ito maaaring maganap, subalit posible itong mangyari sa layer 2.) At mas malala pa dito, mukhang hindi pwedeng bumili sa mas mababa sa $5 gamit ang Chivo Wallet na siyang opisyal na Bitcoin app sa El Salvador. Isipin mo na lang na ikaw ay pwersado na gamitin ang isang bagong payment technology ngunit dapat ang mga bibilhin mo ay higit pa sa 250 pesos ang halaga lamang. Ayos lang siguro iyun kung ikaw ay Starbucks, pero hindi ito uubra kung isa kang micro-entrepreneur na itinuturing na backbone ng mga hindi pa gaanong industriyalisadong society.
Vitalik Buterin
Kahapon, itinampok ng Time’s Magazine si Vitalik Buterin sa kanilang 100 pinaka impluwensyal na tao ngayong 2021, sa kategoryang ‘Innovators.’ Ang kanyang panayam ay isinulat ni Alexis Ohanian, ang founder ng Reddit. Mayroong maikling pagtaas ng presyo ng ETH pagkatapos ng pagkakalathala ngunit iyon ay humupa na sa oras na aking pagsulat ang newsletter na ito, habang ang $ETH ay nasa $3,500. Ang pangkalahatang merkado ay abala habang natutulog ang Pilipinas. Nalampasan ng $AVAX ang kanyang ATH (ngayon ay nasa $68 na) at ang $SHIB naman ay umangat ng 50% mula ng kanilang unang paglabas sa Coinbase kahapon.
Cryptopop Art Guild (CPAG)
Ang CPAG ay mabilis na lumalaki simula ng ating paglunsad nito noong Setyembre 8. Sa bilang na 42 artist at 2 managers, umaabot na sa puntong kinakailangan kong imute ang aming Telegram Group. Kung hindi ay matutukso lang ako na makipag chat sa mga miyembro buong araw.
Mula madaling araw hanggang takip-slim, patuloy ang pag-uusap ng mga Guild Members tungkol sa kani-kanilang artwork-in-progress o di naman kaya ay sa kanilang Axie Grind, kaliwat-kanang suporta at pagpapalitan ng mga ideya. Tunay na kalugod lugod na masaksihan ito. Ngayon na maliwanag na sa CPAG ang magiging proseso ng kanyang management, hangad naming magkaroon ng 100 artist para sa CPAG Batch 2021, kaya naman aking bubuksan ang pondo para sa mga interesadong investors. Nakalikom na kami ng 13 ETH sa ngayon, at kailangan pa natin ng dagdag na 20 para sa ating goal, kayat mabuting antabayanan ang ating investors brief sa susunod na linggo.
Ang pinaka importante kong papel sa Guild ay siguraduhin na ang ating mga artist ay mas makilala at magkaroon ng dagdag exposure, kaya naman aking ipakikilala ang ilan sa kanila dito sa ating newsletter simula ngayon. Ang ating unang CPAG featured artist ay si Johnriel Duana, isang 19 year old na prodigy mula Cavite. Ako mismo ay nag komisyon kay Johnriel ng art na aking ginamit para dito sa aking YGG Announcement ngayong araw, at sa tingin ko ay lubos na kahanga hanga ang kanyang likha. Maari nyo syang kontakin sa kanyang Twitter para sa mga komisyon.
Kita kita ulit tayo sa susunod na linggo, mga ka-crypto!
This article is published on BitPinas: Cryptoday 045: Opisyal na Akong Bahagi ng Yield Guild Games! (Tagalog)
The post Cryptoday 045: Opisyal na Akong Bahagi ng Yield Guild Games! (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/news/cryptoday-045-opisyal-na-akong-bahagi-ng-yield-guild-games-tagalog/
Text source: BitPinas