Cryptoday 047: Ang BSP ba ay Kontra sa Inobasyon? (Tagalog)
Nakamit ng PLDT ang ika-anim na Digital Bank License mula sa Bangko Sentral. Kahanay na sila ngayon ng Unionbank at Gokongwei Group sa bagong mundo ng branch-less banking. Samantala, inabot ng DALAWANG BUONG ARAW bago maayos ng PLDT ang kanilang outage dito sa La Union….
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games and co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
PLDT Digital Bank
Sa ganitong klase ng serbisyo, paano ako makakasiguro na itong inaalok nila sa kanilang magiging bangko ay katiwa-tiwala, maasahan, at madaling hingan ng tulong? Hindi din maganda ang karanasan ko sa kanilang ‘automated’ customer support system, kung saan lagi silang nagha-hang up pagkabigay ng service update at hindi man lang mag-tatanong kung nangangailangan pa ng karagdagang tulong ang kanilang customer. Maituturing itong top-notch at world class sa sarkastiko na pananalita.
Ang bagong bangkong ito ay tinatawag na “Maya Bank.” Nagbayad ang PLDT ng 1 BILYONG Piso para sa pribilehiyo na maging Digital Banking Service Provider dito sa Pilipinas. Kung ako ang tatanungin, isang malaking pagkakamali ang ipagkatiwala ang inyong pera sa mga ito. Siguro ay masyado lang akong nag-ooverthink, pero nagtataka ako kung bakit bigla nalang nag desisyon ang BSP na itigil ang pagkakaloob ng Digital Banking License matapos lamang ang ika-pitong successful na aplikante. Sinusubukan ba nilang limitahan ang kompetisyon sa mga malalaking manlalaro nito? O pinoprotektahan lang nila ang tradisyunal na banking industry?
Kung ang layunin nitong lisensya ay mabawasan o matangal ang pangangailangan sa mga branches ng mga bangko para sa mga simpleng transaksyon, bakit hindi magkaloob pa ang BSP ng mas maraming lisensya?
BSP
At dahil napag-usapan natin ang BSP, noong Enero ay naglabas sila ng Circular tungkol sa karagdagang requirements para sa lahat ng cryptocurrency exchanges, wallets, at service platforms (na tinatawag na VASPs o Virtual Asset Service Providers).
Isa sa pinakamalaking pagbabago ay ang pangangailangan ng User na i-ulat kung saan nanggaling ang kaniang crypto deposits, kabilang na ang pangalan ng exchange. Kasalukuyan na itong ipinapatupad ng Coins.Ph. Lahat ng bagong transaksyon sa app nito ay nagbibigay ng ganitong mensahe: (Salamat sa tip! Renzo)
Samakatuwid. Iho-hold nito (at malamang ng iba naring VASPs sa hinaharap) ang iyong crypto hangat hindi mo iniuulat kung saan mo ito nakuha, at ito ay para sa kahit anong halaga HIGIT PA sa 50,000 pesos. Ang magandang balita dito ay maaari mong paulit ulit na i-ulat na nanggaling ang iyong mga krypto sa ibang ‘regulated’ na crypto exchange, ito ay dahil hindi ako naniniwala na sila ay mag-lulunsad ng chainalysis sa kanilang mga customer (At kahit mayroon itong teknikal na posibilidad, ang mada-dagdag na gastos sa kada deposit process ay ka-aayawan ng kanilang customers). Hindi ito magandang senyales para sa industriya. May mga iba pang parte ang Circular na mas nakakabahala para sa akin.
So ang mga regulated VASPs ay maaari lamang makipag transaction sa kapwa VASPs. At alam mo ba kung ano ano ang hindi mga regulated VASPs? Binance. Abra. Uniswap. Pancakeswap. Lahat ng DEX, at lahat ng DeFi project. Ang MetaMask at ultimo Bitcoin Lightning Network ay hindi din kasali. Tignan nyo itong parte na ito tungkol sa “unbroken chain of regulated entities.” Kung babasahin ito ng literal, ito a anti-Innovation, simple at malinaw.
Ipinakikita lamang ng mga requirements na ito mula sa BSP ang nakikita na natin na nangyayari sa US. Kasalukyang umiikot sa kanilang senado ang isang reporting requirement na nag saasaad na kinakailangang ng mga Amerikano na hindi lamang i-report ang pinanggalingan ng kanilang crypto, kinakailangan na din nilang mag lagay ng impormasyon tulad ng kanilang Social Security Number. Buti na lamang at sobrang bagal mag assign sa Pilipinas ng SSS numbers at IDs sa mga mamamayan kaya hindi posibleng maipatupad ang ganitong requirement sa bansa. Ang kalalabasan din lang naman nito ay ang hindi gustong mangyari ng mga regulators. Mas maraming tao ang mag-underground ng kanilang aktibidad, at mas maraming bagong teknolohiya ang lalabas upang protectahan ang privacy ng kanilang users. Ang mga DEX ang unang ‘stage’ sa mga teknolohiyang ito, at naniniwala ako na ang mga susunod na lalabas ay mga pag-subok sa decentralized na fiat on- at off- ramps. Ito ang hindi maiiwasang resulta ng patuloy na paglampas ng mga regulators sa ating personal na privacy.
Evergrande
Ano naman kaya ang lagay ng merkado ngayon linggo? Lahat ay mapula! Resulta ito ng patuloy na istorya tungkol sa Evergrande at sa hindi maiiwasang pagbagsak nito. Kung hindi ka pamilyar, ang CNN primer na ito ay nasa tatlong minuto lamang.
Ang inaasahan ng mga US analyst ay ang Chinese Government ang mag ii-step up para iligtas ang kumpanya, dahil pag nagsara ito, ang $300 Billion nitong utang ay magbibigay ng sunod sunod na negatibong reaction sa pandaigdigang merkado. May teorya ang ilang Chinese experts na una munang ililigtas ng Chinese Government ang kanilang retail mainstream market, at hahayaan na lamang nila ang mga mayayaman nilang mamamayan na protektahan ang kani-kanilang sarili. Ito ay salungat sa ginawang hakbang ng US sa krisis pinansyal noong 2008.
Nakausap ko din ang trading guru na si Celeste Rodriguez tungkol sa mga kaganapan kahapon at napansin nya ang nagkaroon ng maliit na dip sa Philippine Stock Exchange, subalit mukhang hindi naman ito labis na naapektuhan ng mga pangyayaring ito. (May mga nabangit din syang mga bagay na gusto at ayaw nya sa PSE pero sa ibang panahon nalang natin ito pag usapan.)
Cryptopop Art Guild Artist Feature – Mac Alcala
Ngayong araw, ang ating Featured Artist mula sa Cryptopop Art Guild ay walang iba kung hindi si Mac Alcala. Si Mac ay 21 anyos at nakatira sa Taguig, isa sya sa ating maliit na bilang na mga artist sa CPAG na taga-Metro Manila. Ang kanyang Stained-Glass na art style ay sadyang nakakabighani at ng una kong nakita ang kanyang art samples, alam ko na kinakailangan natin siyang makuha para sa Guild. Sa Biyernes ay babalitaan ko kayo tungkol sa ating Guild Fundraising efforts at sa ating mga susunod na hakbang. I-follow nyo po sana kami sa aming Twitter @cryptopopart! Patuloy kami dito na mag po-post ng mga obra ng aming mga Guild Members
Iyon lamang para sa ngayon, hanggang sa muli mga ka-krypto!
This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 047: Ang BSP ba ay Kontra sa Inobasyon? (Tagalog)
The post Cryptoday 047: Ang BSP ba ay Kontra sa Inobasyon? (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-047-ang-bsp-ba-ay-kontra-sa-inobasyon-tagalog/
Text source: BitPinas