Cryptoday 049 – CurioCards at ang Art Scene sa Pilipinas (Tagalog)
Noong Linggo, nakatangap ako ng balita na ang CurioCards, ang NFTart collection na aking nilahukan noong 2017, ay magkakaroon ng exhibit sa Christie’s auction house lobby sa Rockefeller Center na nasa New York City. Ang kaibigan kong si Sean Go ay bumisita dito at nagpadala ng mga magagandang larawan ay bidyo na aking pinagsama-sama dito.
This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the country manager for the Philippines at Yield Guild Games, co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines, and founder of the Cryptopop Art Guild. For any comments and questions, please message Luis directly on Twitter.
CurioCards 101
Sa mga hindi nakakaalam, ang CurioCards ay isang koleksyon ng multi-edition NFT, at ang kauna-unahang halimbawa ng NFTart, na nilikha noong pang 2017. Pitong artist, kabilang na ang inyong lingkod, ang nag-ambag ng kanilang gawa, kada isa ay may kanya-kanyang istilo at tema. Dahil sa edad ng CurioCards, mahirap na makolekta ang lahat ng 30 cards na nabibilang dito (kasama na ang isang missprint, na ipinaliwanag din sa bidyo sa itaas). Sa tantya namin ay kaunti lamang ang kumpletong set sa buong mundo, at isa na roon ang isang set na kasalukuyang ipinapa-auction ng kanyang anonymous na may ari sa Christie’s sa NYC ngayong Biyernes, 9:30 PM Manilla Time. Inaasahan ng auction house na ang halaga ng kumpletong set ay lalagpas ng $1 Million.
Pinoy Artist sa Christie’s New York
Hindi pa rin tayo nakakatangap ng tumpak na kasagutan kung ang inyong lingkod nga ba ang kauna-unahang Filipino artist na nagkaroon ng likha na nai-auction sa Christie’s NYC. Subalit sa pagkakaalam ko, ang mga likha nina Amorsolo, Luna, Joya, Manansala, Kiukok, Zobel, Francisco, Bencab, at lahat ng ibang Filipino artist na aking naaalala, ay nai-auctioned na sa Christie’s Asia Branch sa Hong Kong. Posible na hindi pa sila nagkaroon ng Filipino art na nai-auction sa Christies sa NYC hanggang sa ngayon. (Kung kayo ay may data na sumasalungat dito, maaring ipaalam nyo sa akin.) Marahil ay nawawalan ka na ng interes sa patuloy kong pagtalakay sa balitang ito, subalit hayaan nyong ihayag ko ang aking punto tungkol sa general art.
Ang katotohanan na ang likha ng isang hindi kilalang Filipino artist ay hindi kapanipaniwalang umabot sa pinaka high-profile auction house sa buong mundo, ay hindi ang pinakamahalagang bahagi ng kwentong ito. Sa tingin ko, ito ay isang malaking pruweba ng abilidad ng NFTart upang bigyan ng kalayaan o demokrasya ang art space, at ang demokrasyang ito ay di hamak na MAS MAHALAGA sa isang artist mula Katipunan Avenue, Quezon City kumpara sa isang artist na taga NYC, o Paris, o Tokyo.
Ang dahilan kung bakit ang art ko ay io-auction sa Rockefeller ngayong linggo ay hindi dahil nalaman ko na ang secret code kung paano. Bagkus ito ay dahil sa mundo ng NFTart, hindi na mahalaga kung saan ka man nanggaling. Hindi pa ako nakapag-exhibit sa isang lokal na art gallery. Hindi ko sinubukan na kunin ang atensyon ng mga premyadong art dealer, at ang kauna unahan kong interaksyon sa ating local na art scene ay ilang buwan lamang ang nakaraan (at nag wo-workshop din ako ng NFT doon). Kakatapos ko lang noon i-mint ang aking art sa Ethereum, at kasalukuyan ko itong ipino-promote (minsan hindi matagumpay), hanggang sa umabot sa punto na nakabebenta na ako ng sapat at ang kinikita ko sa aking mga likha ay nahigitan na ang ang aking kinikita sa aking arawang trabaho. Ang pagkakaroon ng demokrasya sa art sa pamamagitan ng NFT ang nagbigay dito ng posibilidad kahalintulad ng ginawa ng blog para sa mga writers 20 taon na ang nakakaraan.
Art Industry sa Pilipinas
Ilang linggo na ang nakaraan ng magsalita ako sa Congressional Inquiry sa estado ng Art scene dito sa Pilipinas. Ito ay pinangunahan ni Congressman Toff de Venecia. Isa sa pinakamahalagang istatistika na aking napansin ay, noong 2019, ang kabuuan ng Philippine Art Industry ay nagtala ng $89 Million na kita. Mistulang napakalaking halaga nito hangang malaman mo na ang CurioCards collection, isang NFTart collection na ginawa ng pitong artist lamang, ay kumita ng $90 Million noong nakaraang anim na buwan. At wala pa ito sa top 10 NFTart projects sa Opensea! Kung iyong susuriin ang kahit na ano sa mga top-tier na NFTart collection sa ngayon, di hamak na mas malaki ng kanilang sales volume kung ikukumpara sa kabuuang kita ng art industry sa isang bansa. (Ang ilan sa mga koleksyong ito ay hindi pa gawa ng isang aktwal na artist, na isa pang punto ng dapat pag usapan sa susunod.)
Hindi ko ito sinasabi para atakihin ang sinuman o para isantabi ang gawa para sa lokal na industriya ng mga galleries, museum, at art school sa ating bansa. Hindi ko rin sinasabi na ang Art Revolution na ating hinihintay ay narito na, pero ang tradisyunal na art industry ay patuloy pa rin nagrereklamo kung gaano kahina ang ating industriya. Mahina ito sapagkat sa maling lugar ka nakatingin! Mapalad ako dahil agad akong gumawa ng NFT sa simula pa lamang ng aking paglalakbay. Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang makahikayat ng mas maraming artist na subukan ito sa lalong madaling panahon.
Artion, Isang Decentralized na NFTart Marketplace
Noong nakaraang weekend, ang Yearn.Finance creator na si Andra Cronje ay inilunsad ang Artion, ito ay ang decentralized na bersyon ng nangungunang NFTart Marketplace na Opensea. Naniniwala ako na magdudulot ito ng malaking labanan para sa mga NFT, at kahit na bago pa lamang ang teknolohiyang ito, naniniwala akong mahusay ito.
Sa paggamit ng NFTart, maiiwasan natin ang mga gallerist, ang mga dealers, pati narin ang mga tinatawag na ‘art mafia’ na kinakailangan pang hingan ng basbas upang magtagumpay ang isang artist. Subalit sa ngayon ay kailangan pa rin natin na dumaan sa mga marketplace gaya ng Opensea at NiftyGateWay, at ang mga ito ay maituturing din nating ‘gatekeepers.’
Pero kung tayo ay aangat pa ng isang lebel, at gumawa ng blockchain protocol na para lang sa art trading, maaari na rin nating maiwasan ang mga marketplace, at gawing mas simple ang transaksyon magiging sa pagitan na lamang ng artist at ng kanilang audience. Hindi mahirap unawain ang konseptong ito, at naniniwala akong muli natin itong pag uusapan sa hinaharap.
Update sa Cryptopop Art Guild
Isa sa mga pinakamakapangyarihang implikasyon ng NFTart ay ang automatic royalties. Ang CurioCard artist ay tatangap ng 1% royalty fee sa tuwing magkakaroon ng transaksyon sa art piece na kanilang ginawa, ito man ay ma trade o maibenta sa Opensea. At automatic itong magaganap hangat ang marketplace ay nananatili. Noong nakaraang buwan ay nagdesisyon ako na i-akma ang lahat ng aking kita mula sa aking royalties upang makatulong sa mga karapat dapat na artist dito sa Pilipinas, at turuan din sila kung paano mapapasok ang mundo ng NFTart. (ang CurioCards co-founder na si @Travisformayor, ay nagbigay din ng tulong kasama na ang iba pa nating mahuhusay na co-investors mula sa NFTart community.) Ang proyektong ito ay tinatawag na Cryptopop Art Guild (CPAG) at ikinalulugod kong i-anunsyo na mayroon na tayong tinutulungan na nasa 70 artist. Nananatili pa rin tayong bukas para sa scholarship applications. Kaya naman kung ikaw ay interesado na maging Axie Infinity Scholar at nais mo din ng tamang gabay sa mundo ng NFTart, i-submit mo lamang ang iyong pinakamahusay na likha sa fb.com/cryptopop!
Iyon lamang ang para sa ating Newsletter ngayon, mga ka-crypto! Kinakailangan kong laktawan ang susunod na newsletter ngayong Miyerkules sapagkat napakarami nating dapat gawin. Ngunit ako ay magbabalik sa Biyernes para sa mga bagong crypto news! Lagi sana kayong maging ligtas at mausisa!
Ang translated article na ito ay nailathala sa BitPinas: Cryptoday 049 – CurioCards at ang Art Scene sa Pilipinas (Tagalog)
The post Cryptoday 049 – CurioCards at ang Art Scene sa Pilipinas (Tagalog) appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-049-curiocards-at-ang-art-scene-sa-pilipinas-tagalog/
Text source: BitPinas