Paano Bumili ng ETH sa PDAX, Ilipat ito sa Metamask, at Bumili ng Bagong Axie
Translated by Arzen Ong
Malamang ay nabalitaan mo na ang tungkol sa Axie Infinity, ang sikat na NFT game kung saan ang mga Pinoy ay maaaring kumita sa simpleng paglalaro lamang nito araw araw. Maraming paraan para kumita sa Axie Infinity. Ang pinaka papopular ay ang pagiging iskolar. May tao (na kung tawagin ay “manager”) ang bibili ng Axie para sa ibang tao (tinatawag na “scholar”) upang gamitin at laruin, habang anga manager at ang scholar ay maghahati sa cryptocurrency (na kung tawagin ay ‘SLP’) na kanilang nakukuha sa paglalaro.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang aming Axie Infinity Scholarship Guide.
Gabay sa Pagbili ng ETH na Ipambibili ng Axie
Paano kung ayaw mong maging iskolar? Bagkus ay nais mong maging Manager? O paano naman kung gusto mo lang maglaro gamit ang Axie na ika ang may-ari? Dito mo kailangang malaman kung paano ka makakabili ng Axie na pansarili.
Ang mga Axie ay nabibili sa Axie Infinity Marketplace. May ibang Axies na mas mahal kaysa sa iba, pero ang lahat ng Axie ay magkaparehas sa isang aspeto: kung gusto mong bumili ng Axie, kailangan mo ng ETH o Ether, ang cryptocurrency ng Ethereum blockchain. (Upang mas maging tumpak, ang kailangan mo talaga ay WETH o Wrapped Ether, pero para sa ikadadali ng artikulong ito, tawagain na lamang natin itong ETH. 1:1 din naman ang kanilang halaga.)
Paano tayo magkakaroon ng ETH?
Bakit Dapat Bumili ng Axie Gamit ang PDAX?
Sa artikulong ito, mag popokus tayo sa pagbili ng ETH gamit ang PDAX, ang lisensyadong cryptocurrency exchange sa Pilipinas. Paro bago ang lahat, bakit natin kailangan gamitin ang PDAX? TLDR: Hindi lang ito dahil sa nais natin supportahan ang mga lokal na kumpanya, ito ay dahil sa mga sumusunod:
Sinusuporthan ng PDAX ang pagbili ng ETH gamit ang Peso.
Madalas na USDT ang gamit sa pagbili ng ETH, at may mga pagkakataon na sa buong araw ay nag-iiba ang halaga ng USD/USDT sa Peso.
Sinusuportahan ng PDAX ang mga Local Cash-ins.
Bumili ng ETH gamit ang Gcash? Check. Bumili gamit ang Western Union? Check. Bumili gamit ang InstaPay o PESONet? Check din. Hindi mo na kailangang maghanap ng mapag papalitan ng ETH para sa USDT. Maari ka ng mag cash in gamit ang Gcash sa iyong PDAX Account.
Ang PDAX ay mag mobile app din na iyong magagamit pang trade sa iyong smartphone. Pero para sa artikulong ito, gagamitin natin ang desktop version bilang pangunahing paraan ng paggamit ng PDAX.
Paano Bumili ng Axie ang Gamit ang PDAX?
1) Gumawa ka ng iyong PDAX account kung hindi ka pa nakakagawa nito. Siguraduhin na ikaw ay ‘Verified User’ na.
2) Magpadala ng pondo sa iyong PDAX account.
- Mag log in sa iyong account
- I-click ang “Funds”
- I-click ang “Payment in”
- I-click ang “PHP”
- I-click ang “Cash In”
- Pumili ng payment channel, pwedeng gamitin ang 1) Online, 2) Wallet, o 3) OTC.
- Ilagay ang halaga ng nais mong i-cash in at iba pang may kinalaman impormasyon, pagkatapos ay i-click ang “Proceed”.
- Bukas ang iyong email/mobile phone para sa susunod na hakbang.
3) Bumili ng ETH sa PDAX!
- Pumunta sa PDAX Website at i-click ang “Trade”
- Pumunta sa ETH/PHP, pumili ng limit order, market order, o fill and kill.
!. Limit Order – Bumili sa presyong iyong gusto
II. Market Order – Bumili gamit ang kasalukuyag presyo.
III. Fill and Kill (FAK) – Maglagay ng limit amount order. Lahat ng unfulfilled na halaga o parte ay makakansela kapag hindi na execute ang order.
4) Ilipat ang iyong ETH sa MetaMask.
Unang una, siguraduhin na nakahanda na ang iyong MetaMask wallet. Kung oo, magtungo na tayo sa PDAX.
- Sa “Funds”, pumunta ka sa “Payment Out”
- Pliin ang ETH
- I-click ang “Transfer out wallet” at ilagay ang halaga
- Bumalik sa MetaMask at kopyahin ang iyong ETH wallet dito
- Bumalik sa PDAX at ialagay ang iyong ETH wallet mula MetaMask
- I-click ang “Payment Out”
- Makakareceive ka ng email kapag ang transaction ay natapos na.
NOTE: Ugaliing mag-ingat sa ta-transfer ng cryptocuurrencies. Kapag nagkamali ka ng kopya ng wallet address, kahit ang PDAX ay hindi ka matutulungan. Irreversible ang mga crypto transactions
Habang hinihintay mo ang iyong transaction na matapos, silipin mo ang mga ito:
5) Ngayon na mag ETH na sa iyong MetaMask, oras na para bumili ng Axies!
Paano Maglipat ng ETH Mula MetaMask Patungong Ronin
Ang Ronin ay isang Ethereum sidechain para sa Axie Infinity. Imbes na ang mga Axie Transactions ay maganap sa Ethereum blockchain, ito ay nagaganap sa sidechain lamang. Ibig sabihin, kailangan mo lang mag bayad ng gas fee kapag ikaw ay mag ta-transfer palabas ng sidechain.
- Pumunta sa marketplace.axieinfinity.com at mag log-in sa iyong Ronin Account.
- Sa dashboard, piliin ang “bridge” o magtungo dito: https://bridge.roninchain.com/
- Piliin ang “Deposit” para ma transfer ang iyong ETH sa Ronin.
- Ilagay ang iyong Ronin Address sa nakalaang lugar (Pumunta sa Axie Dashboard at kopyahin ang iyong Ronin Wallet).
- Sundan ang mga sumusunod na hakbang upang ma kumpirma ang transaksyon
(Mayroon din video na na maaari mong i-click sa Bridge na maaari mong panuorin at sundan)
Sa puntong ito, nailipat mo na dapat ang iyong ETH sa iyong Ronin. Oras na para bumili ng Axies. Basahin ang mga sumusunod na artikulo tungkol sa Axie Infinity sa BitPinas:
Bisitahin ang PDAX dito: https://pdax.ph
Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Paano Bumili ng ETH sa PDAX, Ilipat ito sa Metamask, at Bumili ng Bagong Axie
The post Paano Bumili ng ETH sa PDAX, Ilipat ito sa Metamask, at Bumili ng Bagong Axie appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/learn-how-to-guides/pdax-eth-axie-metamask-tagalog/
Text source: BitPinas