Paano Huwag Ma-Ban sa Axie Infinity
This is the Tagalog translation of the article: How to Not Get Banned in Axie Infinity
Habang ako’y nagsusulat, naabot na ng Axie Infinity ang 1 Million na daily active users. Subalit nitong nakaraan, mag mga pagbabago silag ginawa sa Rewards ng mga Players na kinikita in-game. Ang Rewards sa Adventure mode ay ibinaba mula 150 pababa sa 50 SLP. Habang ang rewards sa pag-kumpeto sa Daily Quest ay ibinaba mula 50 SLP, ngayon ay 25 SLP na lamang.
Sa harap ng mga pagbabagong ito, ang mga Axie Infinity players ay dapat pa ring sumunod sa terms of service ng laro. Ang paglabag dito ay maglalagay sa player sa peligro na ma-BAN ang kanilang account at hindi na sila makapag laro sa mahabang panahon.
Tignan ang iba pang Axie Infinity articles sa BitPinas:
- Play to Earn: Make Money Playing Axie Infinity
- Comprehensive Axie Infinity Scholarship Guide [Tagalog]
- Axie Infinity Land Gameplay 101 Philippines Guide
Huwag Gumamit ng Multiple Accounts
Dahil sa potensyal na maaaring kitain sa Axie Infinity, may ilang taong gumagamit ng “bots” sa laro. Ang paggamit ng bots sa laro ay isang Bannable Offense na walang sinuman ang dapat na gumawa.
Paano naman ang mga Managers? Kung nais mong maging “manager” (ang terminong gamit sa mga taong maraming axie at, dahil dito, ay naguudyok sa ibang tao na maglaro sa kanilang secondary account kapalit ang pakikihati sa kita), may mga bagay kang dapat iwasan upang hindi ma-ban ang iyong account ng biglaan.
Maari ba akong maglaro sa multiple accounts? Hindi. Pinagbabawalan ng Axie Infinity ang manlalaro nito na maglaro o mag-farm gamit ang 2 o higit pang accounts. Hayaan mong ipakita ko sayo ang iba pang criteria upang lubos mo itong maintindihan.
Paano kung mayroon akong dalawang team ng Axie at gusto kong ipagamit sa ibang tao yung isang team?
Ito ay kaparehas ng paggawa ng scholarship account. Gumawa ka ng Ronin Sub-Account sa ilalim ng iyong Ronin account para sa tao na iyon. Ilipat ang mg Axie sa pangalawang Ronin Account. Ipadala mo sa taong ito yung QR code o maari kang gumawa ng log-in details para sila na ang kumuha ng QR codes mismo. Sa karadagang impormasyon tungkol dito, inyong basahin ang Bitpinas Axie Infinity Scholarship Guide.
Tandaan, ipaalala mo na siya dapat ay hindi gagawa ng bagong account sa kanyang personal na device. Kayang ma-trace ng Axie Infinity kapag ang isang player ay gumagamit ng 2 accounts.
Pwede ko bang ipagamit sa ibang tao ang aking account?
Oo, hangat hindi sila nagbubukas ng ibang Axie Account sa kanilang device ay maaari nilang gamitin ang iyong personal na account.
Bakit ang pagiging manager ay hindi hinahalintulad sa multiple accounts?
Hindi ito ikinukunsiderang multiple accounts sapagkat ang mga scholar ng manager ang gumagamit ng secondary account ng manager sa paglalaro.
Iwasang mag AWAY FROM KEYBOARD (AFK) at Huward Gumamit ng BOTS sa laro
May mga video na kumakalat ngayon kung saan makikita na may mga Axie Infinity games na kusang naglalaro at pumipili ng kanilang cards. Ang Axie Infinity ay kamakaian lamang ay naglabas ng dagdag security system upang mapigilan ang pag-AFK.
May alert na lalabas na magpapakita ng 5 random na numbers at dapat ay ma-select ng mga players ang tamang pagkakasunod sunod nito upang maiwasan ang pagka-ban. Maipapakita ng paraan na ito na ang isang player ay aktibo at hindi gumagamit ng bot.
Huwag niyong babaguhin ang oras sa inyong device
Ang Axie Infinity ay gumagamit ng Global Time Tracker. Kapag nagbago ang oras at araw sa inyong device, ang energy sa inyong account ay agad na magkakaroon ulit ng bagong Energy. Tandaan na ang manual na pagpapalit ng oras at araw sa inyong device para ireset ang energy ay isang bannable offense.
Kung ikaw ay isang manager, mas peligroso ang iyong posisyon lalo na kung hindi alam ng mga scholars mo ang mga rules na ito. Pinapaalalahanan namin kayo na gumawa ng inyong “before playing do’s and don’ts reminders” upang maiwasan maging ‘donation’ ang iyong ‘investment.’ Maging aktibo din at laging mag-abang sa mga recent updates ng Sky Mavis team upang lagi mong ma-update ang iyong ‘scholarship program compensation plan’ at iba pang importanteng bagay sa pagitan mo at ng iyong mga scholars.
At kung ikaw naman ay isang scholar, laging maging mapanuri at sundin ang mga kasunduan at rules na ibinigay sa iyo ng iyong manager.
Ang article na ito ay na-publish sa BitPinas: Paano Huwag Ma-Ban sa Axie Infinity
The post Paano Huwag Ma-Ban sa Axie Infinity appeared first on BitPinas.
Read more: https://bitpinas.com/feature/tagalog-paano-huwag-ma-ban-sa-axie-infinity/
Text source: BitPinas