Crypto News

Cryptoday 038: Axie Archipelago (Tagalog)

Bago natin pag-usapan ulit ang crypto tax, narito ang dalawa sa mga Axie guilds na nakapokus sa paghahanap at pagtulong sa mga Pinoy iskolars.

This opinion article translated into Tagalog by BitPinas is originally from Luis Buenaventura II’s Cryptoday Column here. The Tagalog translations of Cryptoday are published 1 day after the English version is out. Luis is the co-founder of BloomX, a licensed virtual asset exchange provider in the Philippines. 

Tagum City Axie Academy (TCAA)

Una, ang Tagum City Axie Academy (TCAA) ay isang guild sa Davao Del Norte. Ayon kay Iñigo T, sila-sila lang ang nag organisa ng kanilang programa at ang kanilang pangunahing layunin ay makapagbigay ng alternatibong pagkakakitaan sa mga residente ng Tagum.

Maraming salamat sa inyo TCAA (Sundan ang kanilang Facebook page)! At sabihin niyo lang kung paano pa natin mapaparami ang inyong mga iskolars!

Axie Scholar UK

Ang Axie Scholar UK naman ay ginawa ni UndisputedNoob

Ibinahagi sa akin ng kanilang Pinoy coach na si Cody H ang kanilang programa at kung paano niya tinuturuan ang mga Axie beginners. Karamihan sa kanilang mga iskolar ay mula sa Visayas at Mindanao. Salamat Cody at asahan mo ang aking suporta sa inyong mga aktibidad. 

Axie Archipelago

Kung ikaw ay may play-to-earn guild na karamihan ay mga Pilipino ang miyembro, tulungan niyo ako buuin ang “Axie Archipelago!” Mag-komment lamang kayo sa ibaba upang malaman rin ng buong community ang inyong mga organisasyon at mga proyekto. Kung may makakabuo din sa inyo ng isang interactive map base sa data na ating makokolekta, mas matutulungan natin ang buong community para ang mga interesadong iskolar at managers ay madali kayong mahahanap. Maraming mga hindi magandang balita kamakailan, sa palagay ko ay oras na muna upang bigyang pansin natin ang mga taong ang layunin ay matulungan ang kanilang mga kapwa Pinoy sa pamamagitan ng Axie Infinity scholarships!

Crypto Taxation by Taxumo

Nakiusap ako sa Taxumo na ibuod para sa mga mambabasa ng Cryptoday ang paksa ng Crypto Tax Webinar na naganap nitong Miyerkules. Salamat sa inyo Ginger, EJ at buong Taxumo team sa pagtulong sa amin na maintindihan ang sistema ng buwis dito sa ating bansa. 

Taxumo: Ayon kay Atty. Mike David, ang crypto ay mapapatawan lang ng buwis kapag ang income o gain ay na “realized.” Ibig sabihin ay kapag ang crypto ay na-konvert na sa pesos; matatax ka lang kapag binenta mo na ang crypto sa pesos.

Paano kung tumatanggap ako ng SLP sa negosyo, taxable ba ito?

Ang “realized” din ay pwedeng mangyari kahit hindi mo pa kinonvert ang crypto sa pesos. Halimbawa, tumatanggap ka ng SLP bilang bayad sa iyong produkto. Kung ang iyong produkto ay 500 pesos, kapag nagbayad ang iyong kustomer ng 500 pesos na halaga ng SLP ay parang “na-realize” na rin ang iyong gain dahil pwedeng  masukat sa piso ang halaga ng produkto. Kaya kapag ikaw ay negosyante at tumanggap ng SLP kapalit ng iyong produkto o serbisyo na meron talagang halaga na nasusukat sa piso, ang gain dito ay “realized” kahit ang binayad sa iyo ay SLP. Kaya ito ay taxable.

Paano kung binenta ang crypto kapalit ng isa pang crypto?

Ayon kay Atty. Mike, walang buwis sa ganitong aktibidad Hindi kinikilala ng ating batas ang income dito kahit pa tumaas ang halaga ng crypto. Mapapatawan ka lang buwis kapag kinonvert ang crypto sa fiat (pesos) at kapag “realized” ang halaga sa pesos. Ang tax ay binabayaran gamit ang fiat. At dahil ang crypto ay hindi fiat at hindi kinikilala bilang currency, hindi ito taxable.

Ang buod ng webinar ay: kapag pinagpalit mo ang iyong crypto sa fiat o sa isang bagay na may monetary value na nasusukat sa piso, kailangan mo magbayad ng tax. Sa ngayon ay yan pa lang ang kailangan niyong tandaan. Dahil sa atensyon na binibigay ngayon ng gobyerno sa crypto, hindi imposible na gumawa sila ng batas mismo na talagang para sa crypto. Ito ay maganda para sa industriya dahil mas magiging lehitimo ang crypto at ang ating industriya .

Livestream kasama ang Resistance Trader

Kagabi ay nasa isang livestream ako ng Resistance Trader kasama si Atty. Raf Padlla upang pag-usapan rin ang crypto tax. Karamihan sa napag-usapan ay nabanggit na sa itaas. Ang malaking kaibahan ay, ayon kay Atty. Raf, baka mayroong hindi pagkakasundo sa kung kailan nagging “realize” ang income sa crypto bago ito mapatawan ng buwis. Sabi ni Atty. Raf, ang mga nasa US daw ay napapatawan ng buwis ayon sa fair market value ng crypto sa oras na kanila itong matanggap, hindi kung kailan nila ito binenta sa dolyar. 

Ito ay importanteng distinksyon dahil kung ikaw ay may SLP, illiquidate mo ito agad kaysa mag-intay ng ilang araw upang ikonvert sa piso. Ito ay dahil matatax ka naman sa halaga ng SLP nung natanggap mo ito, malulugi ka (sa bayad mo sa tax) ka lang kapag biglang bumaba pa lalo ang presyo ng SLP kung nag-intay ka pa ng ilang araw. 

Ang punto dito ay: maraming posibleng di pagkakasundo patungkol sa kung kailan ka dapat mapatawan ng tax. Sabi ko sa livestream, hindi pa natin alam ang sagot sa mga ito, pero ang mabuti ay alam natin kung ano ang mga tanong na dapat tanungin at pag-usapan bilang isang community. Sama-sama natin itong malalaman, mga ka-crypto!

Hanggang sa Lunes na ulit! Ibabahagi ko sa inyo ang resulta ng dalawang linggo ko nang paglalaro ng Axie Infinity pati na rin kung paano ko mina-manage ang aking mga kita (Oo, magbabayad ako ng tax sa susunod na taon!)

This translated article is published on BitPinas: Cryptoday 038: Axie Archipelago (Tagalog)

The post Cryptoday 038: Axie Archipelago (Tagalog) appeared first on BitPinas.

Read more: https://bitpinas.com/feature/cryptoday-038-axie-archipelago-tagalog/

Text source: BitPinas

Disclaimer: Financial information and news are not financial advice, read the disclaimer.
Buy & sell Crypto in minutes

Join BINANCE!

The world's largest crypto exchange

You're just steps away from receiving your reward.

The most complete Crypto News Center.

Search Stories:

Latest top stories